Ann Ravel

Siya ay nagtapos sa UC Berkeley sa kasagsagan ng aktibismo, hanggang sa tinahak nya ang pagaaral ng abogasiya sa UC Hastings habang siya ay namamasukan bilang serbidora. Nakapagbuo sya ng unyon kasama ang kapwa nya serbidora, ngunit lahat ng kasapi dito ay nasisante. Naglatag sya ng reklamo sa National Labor Relations Board, dito lalong umigting ang kanyang dedikasyon upang makamit ang pagkakapantay-pantay at karapatan ng manggagawa. Isa siyang masidhing tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan at mahihirap na komunidad. Si Ann ang pangalawang namuno sa pagtaguyod ng kaso ukol sa karapatan ng mga kababaihan sa larangan ng hanapbuhay, (Johnson v. Transportation Agency), na matagumpay na pinanigan ng korte suprema ng Estados Unidos.
Si Ann ay nanungkulan bilang isang pinakamahusay na abogado sa loob ng labing isang taon sa Santa Clara County Counsel. Ilan sa mahahalagang isyu na ipinaglaban nya ay ang Big Tobacco; proteksyon ng mga bata at mga mamamayan laban sa masamang naidudulot sa kalusugan ng mga produktong “lead paint”; Itinaguyod nya ang pantay na pagtingin sa mga nagpapakasal; Sinimulan nya ang Educational Rights Project para sa kapakanan ng mga kabataang naulila at nasa pangangalaga ng mga foster parents; at inihain nya ang programang nagtalaga ng mahigpit at mabigat na pananagutan o responsibilidad ng Big Banks, upang mapigilan ang mga pang aabuso sa mga matatanda ng kasalukuyang henerasyon, dahil wala silang kakayahang sumabay sa mga pagbabago ng teknolohiya sa industriya. Bilang Deputy Assistant Attorney General sa U.S. Department of Justice, pinanagot nya ang higanteng kumpanya ng BP’s dulot ng pagtagas ng langis sa Gulf of Mexico.
Hinarap nya ang mga kumpanyang parmasyutiko na lumabag sa batas at umabuso sa mga taong may kahinaan. Itinalaga sya ni Governor Jerry Brown upang mamuno sa Fair Practices Commission. Dito nya pinangunahan ang kauna-unahang laban ng bansa laban sa Koch Brothers network kung saan gumamit sila ng “dark money” upang subukang maipasa ang Proposition 32, the paycheck deception ballot measure. Ang kanyang propesyon – at ang kanyang integridad – ang nakakuha ng pansin ni Presidente Barack Obama na siyang nagmungkahi upang si Ann ay mapabilang sa Federal Election Commission. Si Ann ay nakakuha ng nagkakaisang pahintulot ng Senado at patuloy ang kanyang adbokasiya para sa tapat na eleksyon. Noong 2014, pinarangalan siya bilang Mambabatas ng taon ng California Lawyer magazine dahil sa kanyang mga kontribusyon sa batas gobyerno. At noong 2007, pinarangalan sya bilang Pampublikong Mambabatas ng taon ng State Bar of California para sa kanyang mga kontribusyon sa serbisyo publiko.
At ngayon, hinahabla ni Ann ang Google upang baguhin kompidensyal na kasunduan at tanggalin ang sapilitang arbitrasyon, partikular na sa sexual misconduct and retaliation against women employees in the company. Sina Ann at ang kanyang kabiyak na si Steve ay residente ng Los Gatos, at sa distritong ito nila pinalaki ang kanilang tatlong anak. Ang kanyang ekspiryensya at mga natamo ay nagmula sa totoo at tapat na pamumuno na kailangan ng ating komunidad sa Sacramento. Araw-araw lalaban si Ann upang matamo ang mas maliwanag na hinaharap para sa lahat ng pamilya sa California.